‘Yan ang konseptong
ipinakita ng isang kumpanya na nakabase sa Dubai.
Pero maniniwala ka ba ka-K5
na ang gagawa nito ay ang mga Robot?!
Sa kauna-unahang
pagkakataon, inanunsyo ni Hashem Al-Ghaili, isang biotechnologist at science
communicator na nakabase sa Dubai, ang kaniyang Brainbridge, na isang
teknolohiya para sa head transplant.
Kung saan, layunin nitong
pagsama-samahin ang advanced na robotics at artificial intelligence (AI) upang
maisagawa ang kumpletong pamamaraan ng paglipat ng ulo at mukha.
Sa ganitong pamamaraan,
nag-aalok ito ng panibagong pag-asa sa mga pasyenteng nagdurusa mula sa sakit
na walang lunas tulad ng stage-4 cancer, paralysis, at neurodegenerative
diseases gaya ng Alzheimer’s at Parkinson’s.
Ang posibleng maging donor
ng naturang teknolohiya ay ang mga pasyenteng brain dead kung saan ang kanilang
katawan ay puwede umanong ibigay sa mga taong nasa kritikal ang kondisyon.
Gagamit sila ng artificial
plasma solution upang matiyak ang oxygen supply ng katawan habang isinasagawa
ang transplant.
Ang katawan ng donor at ng
recipient ay parehong palalamigin sa tinatayang na 5°C upang mabawasan ang
posibleng brain damage sa kasagsagan ng pagputol ng ulo.
Magkakaroon din ng malaking
papel sa operasyon ang paggamit ng integrated robotics platform na binubuo ng
dalawang autonomous surgical robots na dinisenyo para gawin ang mga surgery ng
magkasabay sa dalawang katawan mula sa iisang setup.
Giit pa ni Al-Ghaili na ang
kanilang konsepto ay nakabatay sa mga lehitimong scientific research.
Aniya pa, posible nang
magawa ang head transplant sa loob ng 8-taon.
0 Comments