Nakahandang magbigay ng tulong ang Department of Migrant
Workers (DMW) sa limang Pilipinong nasugatan matapos mapabilang sa mga nakaranas
ng matinding turbulence ng isang eroplano ng Singapore Airlines.
Ayon sa DMW, nakikipag-unayan na ang kanilang ahensya sa
Department of Foreign Affairs (DFA) upang alamin ang kalagayan ng mga Pinoy na
biktima na kasalukuyang nagpapagaling sa isang ospital sa Thailand.
Nagpahayag naman ng pasasalamat si Secretary Hans Leo
Cacdac sa Singapore Air sa pagsagot sa lahat ng mga gastusin ng mga biktima.
Ngunit sa kabila nito ay tiniyak pa ni Cacdac na walang kahit
na sentimong gagastusin ang mga Pilipinong biktima ng turbulence dahil sa ito’y
sasagutin ng gobyerno ng Pilipinas.
Samantala, nasawi naman sa nangyaring turbulence ang
73-anyos na Briton dahil sa atake sa puso habang mahigit 80 pasahero naman ang
sugatan matapos mag-emergency landing ang Boeing 777 sa Thailand.
0 Comments