#TodayInHistory | Pagkamatay ni Andres Bonifacio



Ngayong araw ay anibersaryo ng pagkamatay ni Andres Bonifacio, isa sa mga kinikilalang bayani ng Pilipinas kung saan tinagurian siyang Ama ng Rebolusyon at nagtatag ng Katipunan.

Kasamang pinatay ngayong araw ang kapatid ni Bonifacio na si Procopio sa kabukiran ng Maragondon, Cavite dahil sa salang pagtataksil at sedisyon.
Humarap sa mga paglilitis si Bonifacio nang kinalaban nito ang gobyerno sa ilalim ng administrasyong Aguinaldo gayundin ang pakikisabwatan sa planong pagpatay sa dating pangulo.
Napag-alamang namatay sa edad na 33-anyos si Andres Bonifacio sa kamay ng mga tauhan ni Heneral Emilio Aguinaldo.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog