Hanggang kailan ang itatagal mo para kumapit?
Nakakatakot at tila nakaka-trauma ang naging karanasan ng
mga turistang ito na buong tapang na inakyat ang Yandang Mountain sa Eastern
China.
At ang nakakahindik ay ang ma-stranded sa bangin na
tanging lubid lamang ang kakapitan ng mahigit isang oras.
Nag-viral ang mga larawan ng climbers sa Chinese social
media kung saan makikitang nakakapit sa gilid ng bangin ang mga ito habang
hinihintay ang pag-usad ng ibang kasama sa kahabaan ng via ferrata – mga metal
na baitang na naka-secure sa bundok.
“This is frightening! Someone like me afraid of heights
might just wet myself up there!” komento ng isang Chinese netizen.
Ayon sa Wenzhou Dingcheng Sports Development Co., Ltd,
namamahala ng via ferrata, inamin nilang hindi nila nakontrol ang dami ng tao
na pumunta sa naturang bundok dahilan na nangyari ang insidente.
Dagdag pa ng kumpanya, pansamantala muna nilang itinigil
ang pagbebenta ng ticket habang inaayos pa ang sitwasyon at nakatakda din
silang maglulunsad ng isang traffic-control system para sa mga bisitang nais
pumunta sa lugar.
Ang Yandang Mountain sa China ay itinuturing na sikat na
lugar para sa mga Chinese tuwing holiday at isinumite din ito para sa UNESCO
World Heritage site designation noong 2001 at nananatiling paring nakabinbin.
0 Comments