CARGO PLANE, LUMAPAG NANG WALANG FRONT LANDING GEAR NA NAKA-DEPLOY

 

Photo Courtesy: Reuters


Sumadsad sa runway ng Istanbul Airport sa Turkey ang isang cargo plane ng FedEx Airlines nitong Miyerkules matapos na bigong makapag-deploy ng front landing gear.

Ayon sa transport ministry ng Turkey, agad na inabisuhan ng Boeing 767 aircraft na lumipad mula sa Paris Charles de Gaulle Airport ang traffic control tower sa Istanbul Airport na nagkaroon ng problema sa pagbubukas ng kanilang front landing gear.

Kung kaya’t ginabayan at tinulungan naman ito ng nakadestino sa tower upang makalapag ng ligtas sa naturang runway.

Nang makalapag ay mabilis namang rumesponde ang airport rescue at firefighting teams sa lugar.

Samantala, maswerte naman na walang naitalang nasaktan sa nangyari.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog