Muling magbabalik ang tambalang Kathryn Bernardo at Alden Richards para sa sequel ng kanilang box-office hit na “Hello, Love, Goodbye”.
Ito ang kinumpirma ng ABS-CBN’s Star Cinema at GMA
Pictures nitong Linggo.
Sa ulat ng Deadline, papamagatang “Hello, Love, Again”
ang naturang sequel na nakatakdang ipapalabas sa mga sinehan sa Nobyembre 13 sa
Pilipinas.
Kasabay ng pagbabalik ng KathDen ay magbabalik din ang
kanilang director na si Cathy Garcia-Sampana upang i-direct ang sequel.
Kung matatandaan, inilabas noong 2019 ang “Hello, Love,
Goodbye” na nagtapos sa pagpapatuloy ni Joy sa propesyon nito sa medisina
habang si Ethan naman ay nagbukas ng sarili nitong negosyo.
Kung kaya’t tila nabitin ang mga manonood sa naging
ending ng pelikula at inaabangan ang estado ng relasyon ng dalawang bida.
Samantala, ang pelikulang “Hello, Love, Goodbye” ay umani
ng pinakamataas ng kita sa Philippine film hanggang sa buwan ng Enero 2024 bago
ito malampasan ng “Rewind”.
0 Comments