Patay ang Iranian President na si Ebrahim Raisi at
kaniyang foreign minister matapos bumagsak ang sinasakyang helicopter habang
papatawid sa bulubunduking lupain sa gitna ng matinding hamog.
Ito ang sinabi ng isang opisyal na Iran matapos ang
isinagawang search and rescue operations sa probinsya ng East Azerbaijan.
Ayon pa sa opisyal, tuluyang nasama sa mga nasunog ang
katawan ni Raisi at ni Foreign Minister Hossein Amirabdollahian nang bumagsak
ang naturang helicopter.
Bagama’t may ilang nagsasabing bumangga umano ang nasabing
helicopter sa tuktok ng bundok ngunit wala pang inilalabas na pahayag ang mga
opisyal ukol sa dahilan ng pagbagsak.
Napag-alamang nasa border ng Azerbaijan si Raisi upang pasinayaan
ang Qiz-Qalasi Dam na isang joint project.
0 Comments