DAIG KAYO NG LOLA KO!
Bumilib ang netizens sa pagsabak sa beauty pageant ng isang
70-anyos na ginang na tila’y go na go pa rin sa paseksihan.
Kinilala ang ginang na si Rhonda Felizmeña ng Barangay
Pitogo.
Isa si Felizmeña sa 37 mga kandidatang sumali sa Mutya ng
Taguig 2024.
Sa post nito, umaasa itong makapagbigay inspirasyon sa
madla lalung-lalo na sa mga kababaihan na tuparin ang pangarap sa kabila ng
kanilang edad.
“I joined Mutya ng Taguig 2024 as I want to serve as an
inspiration to everyone that no matter how old you are, it's never too late to
chase your dreams, never too late to represent yourself and the gift of your
existence to the world, and never too late to do the things that make your
heart happy,” saad sa post ni Felizmeña.
0 Comments