SENATE HEARING O NETFLIX?


 

Ka-k5 alam niyo naba na mas nae-enjoy na ng karamihan ang manuod ng senate hearing kumpara sa Netflix?

Kung dati netflix and chill, ngayon naman senate hearing and chill.

Sa halip kasi movies sa netflix ang panoorin, episode na ng senate hearing ang tinututukan kung saan inaabangan ang mga bagong upload episodes sa internet lalo na sa app na tiktok.

Ito ang kaso ng mayor ng Bambam na si Alice Guo na mahigit isang linggo ng dinidinig sa senado.

Hanggang ngayon kasi patuloy na inuusisa ng mga senador ang totoong pagkatao ng alkalde.

Ngunit, nahihirapan yata ang mga ito dahil paulit-ulit rin nitong sinasagot ang mga senador ng "your honor hindi ko na po maalala".

Hanggang ngayon, hindi parin kumbinsido ang senado sa statement ng mayora na tila ito umano’y isang scripted.

Hindi kasi neto maalala ang mga simpleng bagay sa kanyang mga nakaraan lalo na ang mga basic information sa kaniyang pagkatao.

Dahil dito ay kumakalat ang iba't ibang clips sa tiktok na halos ikinagigil, kinaiinisan at may iba ding ginagawang katatawanan ang mga naging sagot nito sa mga tanong na binabato sa kaniya.

Inihahambing naman ni senador raffy tulfo na parang teleserye ang buhay ni mayor Alice Guo at kung bibigyan ng pagkakataon ay magiging blockbuster pa ito dahil isa itong fairy tale.

Sa kwento kasi nito, siya ay anak ng isang kasambahay na nabuntis ng isang mayamang chinese at pinalaki sa isang farm, home schooled at walang mga kaibigan tsaka bigla nalang naging mayaman.

Matandaan na nag-umpisang inimbestigahan si guo, matapos masangkot sa isa umanong criminal operations at dito na hindi nakasagot sa mga tanong tungkol sa naging kasaysayan ng kaniyang pamilya.

Marami din ang nabahala sa kasong ito, lalo na ang mga totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa bansang pilipinas

Sabi pa ng isang researcher, ang kasong ito ay dapat ikatakot ng bawat Pilipino dahil kung mapapatunayang peke si Guo, malaki itong tanong kung paano nakalusot ito sa mga ahensya.

Samantala, patuloy na gumugulong ang kaso kung saan mas pinalalim pa ang imbestigasyon.

Pero sa kabila ng lahat ng nangyayari wala aniyang balak si mayor Alice na bumitiw bilang mayor ng Bamban at dinidiin nito na siya ay tunay na Pilipino.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog