LOLO SA BATAN, GRADUATE NA SA SENIOR HIGH



Kadalasan naririnig natin sa iba ang mga katagang "matanda na ako", "hindi na ako tatagal sa mundong ibabaw", "parang hindi na para sa akin ito".

Ngunit, hindi ito hadlang sa isang 74-anyos na lolo na makuha ang diploma sa isang strand ng senior high school.

Sa bayan ng Batan, taas-noong umakyat sa entablado ang 74-anyos na si Nicolas Sucgang upang tanggapin ang diploma nito bilang tanda ng kaniyang pagtatapos sa senior high school sa Napti Integrated School.

Ayon sa uploader na si carmen Selorio, "age is just a number" dahil sa kabila ng edad ni tatay ay napagtagumpayan nitong makuha ang diploma sa naturang eskwelahan.


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog