“Graduation and moving up ceremonies must be simple, even
as parents are discouraged from giving money bouquets and garlands.”
Ito ang pahayag ng isang opisyal ng Department of
Education Schools Division Office ng Antique kaugnay sa isang estudyante na nagbahagi
ng larawan suot ang money garland ng tig-iisang libo sa araw ng graduation.
Bagama’t marami ang humanga, tila hindi naman dito natuwa
ang ilang mga guro at opisyal ng Deped lalo na’t layunin nilang maisagawa ang
programa ng simple upang bigyang-pagkilala ang lahat ng mga sakripisyo ng mga magulang
maitaguyod ang pag-aaral ng kanilang mga anak.
Nagpaalala naman si Eric Cortejo, DepED Antique Schools
Management Monitoring and Evaluation Education Program Specialist II, sa lahat
ng principal at school heads na gawing simple at iwasang gumastos ng malaki
para sa kanilang graduation ceremonies.
Dagdag paalala pa ni Cortejos sa mga magulang na kung
maaari ay iwasan ang pagbibigay ng money bouquets at garlands sa kanilang mga
graduating na anak.
Hindi kasi aniya lahat ay kayang gawin ang magbigay ng
ganung regalo kung kaya’t makakabuti na huwag na lang itong gawin para makaiwas
sa anumang isyu.
0 Comments