SECURITY GUARD NA RESPONSABLE SA PANANAGA SA CONSTRUCTION WORKER SA NUMANCIA, PATULOY NA PINAGHAHANAP; BIKTIMA IBINALIK SA OSPITAL



Patuloy na pinaghahanap ng Numancia Municipal Police Station ang isang security na responsable sa nangyaring pananaga pasado alas-11 kagabi sa Brgy. Bulwang, Numancia.

Sa panayam ng K5 News Team kay PSMS. Felizardo Navarra Jr. ng Numancia MPS, nabatid na nag-ugat ang lahat nang dumating ang suspek na si Mark Nervar at iba pa nitong kasama sa isang tindahan malapit sa barracks na tinutuluyan ng biktima na si Willy Borja at doon nagkaroon ng mainit na sagutan dahilan upang umuwi si Nervar at pagbalik ay may dala nang itak at biglang tinaga si Borja.
Napag-alaman din kay Navarra na kapwa nasa ilalim ng nakakalasing na inumin ang parehong panig na posibleng naging daan ng hindi pagkakaintindihan.
Sa ngayon ay muling ibinalik sa ospital ang biktima dahil sa utos ng amo nito para sa kaukulang atensyong medikal dahil sa pagpupumilit na lumabas ng pagamutan kagabi, habang patuloy namang pinaghahanap ang suspek na hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko.
Samantala, handa namang makipag-ayos at hindi na magsasampa ng kaso si Borja kay Nervar basta’t ito aniya ang sasagot sa kaniyang pagpapagamot at mabigyan siya ng trabaho sa construction.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog