HIGIT 20 NA PASAHERO, NAGKAROON NG SPINAL INJURIES SA INSIDENTE NG MATINDING TURBULENCE SA EROPLANO



Nagtamo ng spinal injuries ang mahigit 20 pasaherong sakay ng Singapore Airlines flight dahil sa matindinding turbulence na naranasan.

Ayon sa Adinun Kittiratanapaibool, director ng Bangkok’s Samitivej Srinakarin Hospital, mula sa 40 na pasahero na tuloy pa ding nagpapagamot, 22 sa kanila ang nagkaroon ng spinal cord injuries, anim ang nagka-brain at skull injuries, at 20 katao naman ang nananatiling nasa ICU.

Kaugnay nito, nakapagtala din ng isang patay ang naturang insidente.

Napag-alamang mula sa iba’t ibang nasyonalidad ang sakay ng nasabing eroplano kabilang na ang British, Malaysian, Australian at Filipino citizen.

Samantala, ang Singapore Airlines Flight SQ321 mula sa London Heathrow Airport patungong Singapore ay may sakay na 211 na mga pasahero at 18 crew members na nagsagawa ng emergency landing sa Bangkok dahil sa insidente.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog