Inanunsyo ng Professional Regulation Commission (PRC) ang
mahigit dalawampung libong examinees na nakapasa sa isinagawang Licensure
Examination for Professional Teachers (LEPT) nitong buwan ng Marso 2024.
Mula sa 44,764 na bilang ng examinees ay nasa 20,890 rito
ang naitalang pasado sa elementary level.
Habang 50,539 naman mula sa kabuuang 85,980 na mga kumuha
ng exam ang nakapasa sa secondary level.
Sa tala ng PRC, nangunguna sa elementary level si Mary
Grace Manuel Bamba ng Bataan Peninsula State University – Dinalupihan sa rating
na 92.40.
Samantala, si Javerson Loquina ng Christian Colleges of
Southeast Asia ang nag-top sa secondary level sa average na 92.80%.
0 Comments