Pormal na nananawagan ng tulong sa internasyunal ang
pamahalaan ng Papua New Guinea matapos na mahigit 2,000 katao ang
pinaniniwalaang nailibing ng buhay sa landslide nitong Biyernes.
Ayon kay Luseta Laso Mana, acting director ng National
Disaster Center ng naturang bansa, isang ‘major destruction’ ang nangyaring
landslide sa Yambali village sa probinsya ng Enga.
Kung saan, nasira ang ilang mga gusali, mga taniman at nagdulot
ng malaking epekto sa economic lifeline ng nasabing bansa.
Bagama’t hindi pa matiyak ang wastong bilang ng mga biktima
sa landslide, nananatiling tinatayang na 670 katao ang namatay ang inilabas na
report ng International Organization for Migration dahil sa kakulangan ng
ebidensya gayundin, ang kawalan sa reliable census data ng national government.
Samantala, sa pagtatantya ng gobyerno, nasa 10-milyon
katao ang populasyon sa Papua New Guinea ngunit batay sa pag-aaral ng U.N. na
ibinase sa datos ng satellite photographs ng mga bubong noong 2022 ay mas mataas
sa 17-milyon.
0 Comments