RISING STAR MULA BORACAY, IBABANDERA ANG PILIPINAS SA WORLD CHAMPIONSHIP OF PERFORMING ARTS

 


Sasabak sa isang international na kumpetisyon ang isang Boracaynon matapos na mapiling kinatawan ng Pilipinas sa World Championship of Performing Arts (WCOPA).

Kinilala itong si Shyra Asister, isang Senior High School student sa Boracay Island, Malay, Aklan.

Siya ay anak nina Hydee Fernando Asister at Israel Asister mula sa Sitio Ambulong ng naturang isla.

Nakatakda namang lilipad sa Hunyo 28, 2024 si Shyra para mag-compete sa WCOPA.

Samantala, ang WCOPA ay isang prestihiyosong programa sa US para sa mga aspiring performers at entertainers. Dito, matutunghayan ang paglalaban-laban ng mga contenders sa iba’t-ibang bansa sa buong mundo.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog