KOMEDYANTENG SI DAGUL, NAKA-CONFINE SA PHILIPPINE HEART CENTER


Kasalukuyang naka-confine ang dating ‘Goin Bulilit’ star at komedyante na si Romy Pastrana o mas kilala bilang Dagul sa Philippine Heart Center.

Sa isang ulat, sinabi ni showbiz insider Ogie Diaz na halos dalawang linggo na umanong nasa pagamutan ang komedyante at sumailalim na din ito sa ilang mga test.

Sinasabing bukod sa namuong dugo sab aga at pneumonia, sinusuri rin umano ang puso ni Dagul dahil sa lumalaki raw ito.

Bagama’t mayroon namang natatanggap na tulong ang komedyante ay hindi pa rin ito sapat.

Dahil dito, nananawagan naman ng tulong ang anak nito para sa pagpapagamot ng amang si Dagul.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog