CANCER PATIENT MULA SA THAILAND, WAGI NG $1.3 BILLION JACKPOT

 


Nanalo ng 1.3 bilyon dollars ang lalaking taga-Thailand na nag-migrate sa US sa Powerball jackpot sa Oregon.

Sa isang ulat, kinilala ang maswerteng nanalo na si Charlie Saephan na napag-alamang halos walong taon nang nakikipaglaban sa sakit na cancer.

Natumbok ni Saephan ang winning numbers sa Powerball na white balls 22, 27, 44, 52, 69 at red Powerball 9.

Ayon sa opisyal ng naturang lottery, ang premyong $1.3 bilyon ay itinuturing na ikawalo sa pinakamalaking halaga sa kasaysayan ng US at nakatakdang paghahatian ng asawa ni Saephan at ng kaniyang kaibigan na si Laiza.

Samantala, ibinebenta ang powerball tickets sa 45 states, sa distrito ng Columbia, U.S. Virgin Islands at sa Puerto Rico.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog