READER’S DIGEST UK, NAGSARA NA



Tuluyan ng nagsara ang kilalang American general-interest family magazine na Reader’s Digest sa UK.

Sa post ni Eva Mackevic, Editor-in-Chief, inanunsyo nito ang opisyal na pagsasara ng naturang magazine sa UK matapos ang 86-taon bunsod ng problema sa pinansyal.

Nagpahayag din si Mackevic ng pasasalamat sa mga kasamahan pati contributors nito at idiniin ang mga plano para sa bagong oportunidad sa media and publishing.

Siniguro din nito sa mga manunulat na inaayos na nang insolvency practitioner ang kanilang sweldo.


Post a Comment

0 Comments

Search This Blog