ORANGE AND LEMONS, FRANCINE DIAZ NAGKAAYOS NA

 

Photo Courtesy: via ABS-CBN News


Nagkasundo na ang dalawang kampo ng bandang Orange & Lemons at ang aktres na si Francine Diaz matapos mag-viral ang insidente sa isang gig sa Mindoro nitong Abril 30.

Sa ulat ng ABS-CBN News, parehong humingi ng pasensya ang mga kampo ng Orange & Lemons at si Francine sa naging kahinatnan ng kanilang event sa Mindoro kung saan nagkaroon ng miscommunication sa bawat panig.

Dagdag pa dito, last performer dapat si Diaz na tatapak sa entablado at naka-schedule sa pagitan ng 9:00 pm hanggang 10:00 pm.

Ngunit, nag-request ang kampo ng aktres na paunahin ito at hindi na ininform pa ang bandang Orange & Lemons.

Dito na nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan sa dalawang panig kung saan nag-walkout ang naturang banda at nagkaroon ng matinding tensyon sa entablado.

Marami na ding mga tagahanga at suporta ng dalawang performers ang nagbabangayan sa nangyari.

Sa kabila nito, personal nang nagkaayos ang dalawang panig at umaasa na muling magkasama sa mga susunod pang event.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog