DIWATA, INSTANT MILYONARYO, NA MAY HOUSE AND LOT PA

 

Photo Courtesy: Diwata pares over Fans page


ROSMAR LANG SAKALAM!

Mapapa-sana all ka na lang sa sorpresang ibinigay ng negosyante at content creator na si Rosmar Tan-Pamulaklakin kay Diwata na nagmamay-ari ng isang paresan.

Binigyan lang naman ni Rosmar si Diwata ng P1-milyon cash at house and lot.


Photo Courtesy: Diwata pares over Fans page

Hindi naman makapaniwala si Diwata sa sorpresang hatid ng naturang content creator kung kaya’t napaiyak na lamang ito sa tuwa.


Photo Courtesy: Diwata pares over Fans page


"Mababago na po talaga yung buhay ko. Thank you so much!" ang nasabi ng naging emosyonal na si Diwata.

May ilang ding netizens ang natuwa at naiyak sa mga natatanggap ni Diwata mula sa walang-wala hanggang sa pagiging instant milyonaryo na.

“Naiyak din ako kay Diwata akalain mo from rags to riches, I hope Diwata gamitin mo yan sa tama, you deserved it, dahil sa pagsisikap mo naging successful ka, more blessings galing kay God,” komento naman ng isang netizen.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog