PPA, GAGAWA NG CRUISE SHIP PORT SA AKLAN



Magtatayo ng modernong cruise ship port ang Philippine Ports Authority (PPA) sa Buruanga, Aklan para sa mas malawakang pagtanggap sa mga turistang sakay ng cruise ship.

Aabot naman sa P749,578,209.32 ang pondo sa naturang proyekto na aprubado na at nakatakdang gagawi sa Barangay Alegria.

Nire-require naman ang mga contractor na agad itong matapos sa loob ng 900 calendar days.

Napag-alamang patuloy ang pagpapalawak ng PPA ng kanilang port facilities at imprastraktura sa Palawan, Bohol, Ilocos Sur, Surigao del Norte, Manila, Camigui, at Ilocos Norte.

Layunin ng PPA na ma-maximize ang reputasyon ng bansa bilang nangungunang tourist destination.

Magugunita na kinikilala ng World Cruise Award ang Pilipinas bilang Best Cruise Destination in Asia noong 2023.

 

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog