Alam niyo ba mga ka-K5 na gustuhin ngayon ng mga kababaihan ang hindi kagwapuhan kumpara sa gwapo?

 


SINO ANG PIPILIIN MO? GWAPO O HINDI KAGWAPUHAN?

Alam niyo ba mga ka-K5 na gustuhin ngayon ng mga kababaihan ang hindi kagwapuhan kumpara sa gwapo?

Batay kasi sa isang pag-aaral na ginawa ng Florida State University, nadiskubre nila na isa sa mga paraan para maging masaya ang relasyon ay ang pagpili ng partner na hindi masyadong kagwapuhan, ang mahalaga’y romantiko!

Lumalabas din sa survey na mas pinipili ng mga kababaihan ang ma-effort na lalaking hindi kagwapuhan upang mas lumamang pa ang taglay na kagandahan ng kanilang partner.

Dagdag pa rito, ang naturang mga lalaki ang madalas nagbibigay ng regalo, nagpapatayo ng bahay at gumagawa ng paraan na mas pang alagaan ang kanilang partner.

Sa kabila nito, sa isang hiwalay na pag-aaral, napag-alamang ang mga lalaking gwapo o mas appealing ay nagdudulot ng kawalan ng peace of mind sa mga kababaihan at palagi nalang nagdududa dahilan na humahantong ito sa hiwalayan.

Kaya mga sa mga single nating ka-K5, sino ang pipiliin mo? Gwapo o hindi kagwapuhan?

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog