BATANG 9-ANYOS, PATULOY NA NAMAMAYAGPAG SA INTERNATIONAL



Patuloy na namamayagpag sa internasyunal ang Bicolanong 9-anyos sa kanyang mahusay na talento sa pagpa-piano kung saan umani ito ng maraming medalya mula sa international competitions.
Nai-feature din si Brent Cataneo-Amado sa isang dyaryo na nakabase sa Bahrain tulad ng Gulf Weekly.
Ayon sa nanay ni Brent na si Aileen Cataneo, nagsimulang magka-interes ang bata sa pagpa-piano nang ito’y 6 na taong gulang sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.
Dahil sa labis na pagsuporta ng mga magulang ni Brent, mas nagpursige pa itong linangin ang talento sa pamamagitan ng piano lessons at regular practice sessions.
Kaugnay nito, kasalukuyang naninirahan ang pamilya ni Brent sa Bahrain upang mas pang pagtuunan ng pansin ang kakayahan nito sa piano at masanay na sumabak sa international stage.
Samantala, nakatanggap naman ng imbitasyon si Brent na magpe-perform ito sa Carneige Hall sa New York City, United States sa June 2024.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog