Nakatanggap ng parangal ang isang Pinay na guro mula sa prestihiyosong New York City Department of Education Big Apple Award para sa academic year 2024-2025.
Ilan lang si Dr. Catalina Suerte ng 50 mga guro ang
kinilala sa buong New York City para sa kanilang ipinakitang natatanging
commitment sa pagtututo.
Personal na ipinaalam ng mga opisyal mula sa New York
City Department of Education si Suerte para sa award nito.
Sa isang ulat, ipinahayag ni Suerte na hindi nito
inaasahan ang pagkakatanggap ng naturang parangal kung kaya’t labis ang
pasasalamat nito.
Mula sa mahigit 200,000 na mga guro sa buong New York
City, tanging si Suerte lamang mula sa P.S. 274 ang nakatanggap ng nasabing
award.
Nagsimula ang journey sa edukasyon ni Suerte sa Cebu
Normal University kung saan nagtapos ito ng Doctor of Philosophy in Development
Administration, majoring in Education Governance.
Bago pa man mag-migrate sa Estados Unidos, ginugol mun
anito ang 24 na taong pagtuturo sa De La Salle John Bosco College sa Bislig at
Ateneo de Cagayan.
Sa ngayon, nagsisilbi bilang pangulo ng Unified New
Jersey Chapter si Suerte kung saan ang naturang organisasyon ay para sa mga
Pilipino at Filipino-American educators sa US.
0 Comments