SENIOR CITIZEN SA ANDAGAO, NANINDIGANG TSISMIS LAMANG ANG PAGTAWAG DITONG ASWANG



Labis na kahihiyan ang idinulot sa isang senior citizen matapos itong pagbintangang aswang sa kanilang lugar sa Brgy. Andagao, Kalibo.

Ito ang sinabi ng 65-anyos na ginang sa panayam ng K5 News Team, dahil hindi na aniya nito nagugustuhan ang mga naririnig sa kanilang lugar makaraang kumalat ang tsismis na siya ay aswang.
Aniya nagsimula lamang ang lahat ng maglagay ng bakod ang kaniyang anak na tila hindi nagustuhan ng nambibintang sa kaniya, rason na pati siya ay madamay at ipinatawag sila sa Brgy. Nasundan pa aniya itong paghaharap nila ng madamay naman siya sa umano’y mga nagpapakalat ng tsismis laban dito.
At kamakailan lamang nang malasing ang asawa ng nambibintang na indibiwal ay nagsisigaw aniya ito na aswang siya at umaksyon pa na tila lumilipad, na bagama’t marami ang nakarinig ay minabuti niyang huwag patulan dahil lasing.
Ngunit hindi aniya akalain ng Ginang na kakalat ito sa kanilang lugar at sa tuwing may makakasalubong siya’y ang laging tanong ay kung ang lakad niya ay para mangaswang. Isa na aniya dito ang pagkakataon na sumagot ang nambibintang sa kaniya na tila pinatotohanan pa ang kumakalat na balita dahil nakita aniya siya nitong nakayuko sa punso, habang nadamay din ang kaniyang kaibigan na maliban sa pagiging aswang ay pinagbintangan ding magnanakaw ng screen at palay.
Dito na aniya siya nagpasiyang dumulog sa Kalibo Municipal Police Station at iparekord ang pangyayari sa pangambang marami pa ang madamay at mapahiya kabilang na ang kaniyang pamilya at mga anak na mga propesyonal na.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog