Maaaring ilan sa inyo ay nakapagpagawa na ng kanilang mga sinusuot na salamin sa Sarabia Optical, o di kaya’y narinig ang pangalan ng establisyementong ito.
Pinanganak sa bayan ng Kalibo noong July 18, 1886, si Dr. Frederico B. Sarabia ay nakapagtapos ng kaniyang pag-aaral sa Illinois College of Optometry at nag-practice ng kanyang propesyon sa New York Eye Infirmary sa madaling panahon lamang.
Dahil sa kaniyang pag-aaral sa Estados Unido, ito ang naging rason kung bakit siya ang kauna-unahang Pilipinong naging optometrist.
Dagdag pa rito, nakapag-aral din umano si Sarabia sa University of Chicago College of Education ayon sa 1904-1905 Annual Register.
Nakasaad din doon ang kaniyang pag-aaral ng sekondarya sa isang ordinaryong paaralan sa Manila noong 1901.
Sa mga panahong iyon, sikat na umano ang mga business sa optical kahit walang mga technical training, sapat na preparasyon, at propesyonal na lisensya ang mga ito.
Ngunit noong 1902, nagkaroon na ng pinakaunang lens grinding facility ang Pilipinas.
Dito nagsimula ang ‘professionalization’ at ‘standardization’ ng optometry at eye care sa bansa.
Dahil dito, binuksan ni Sarabia ang kaniyang pinakaunang optical clinic sa Iloilo noong 1906.
Mula diyan, pinalawak niya ang kaniyang mga shops sa buong bansa, kabilang na dito ang pinakauna niyang shop sa Manila malapit sa Escolta.
Umabot sa 38 na mga optical shops ang itinayo ni Sarabia at isa na ito sa pinasikat na optical clinic sa buong bansa.
Pumanaw sa edad na 68 noong ika-14 ng September 1954, naipagpatuloy ng kaniyang mga anak ang pagiging doctor sa mata.
Isang legasiya na hindi man gaanong pinahahalagahan ngayon, nakakatulong pa rin naman ito sa karamihan.
0 Comments