BARMM, NAGDEKLARA NG STATE OF CALAMITY BUNSOD NG EL NIÑO


Idineklara ng Bangsamoro government ang state of calamity sa rehiyon sanhi ng tumitinding epekto ng El Niño phenomenon.

Ayon sa Proclamation 002 s. 2024, layunin nitong matulungan ang mga apektadong komunidad at pabilisin ang mga response operations.

Dagdag pa rito, ang naturang deklarasyon ay isang epektibong paraan upang makontrol ang mga presyo ng mga basic goods and commodities para sa mga apektadong lugar ng BARMM (Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao).

Samantala, nitong May 1, ang mainland BARMM ay nakapagtala ng heat index na 39°C, ayon sa pinakabagong forecast ng weather bureau na PAGASA.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog