Pinuri ng mga netizens ang isang senior citizen na nagtatrabaho bilang service crew sa isang sikat na fast-food chain sa Candon, Ilocos Sur.
Kinilala itong si Willie, 71-anyos at isang lolo ng 13 mga apo.
Patunay lamang ito na hindi hadlang ang anumang edad para mabigyan ng trabaho o nagnanais na kumita.
Ngunit may ilan ding hindi nagustuhan ang pagtatrabaho ng isang senior citizen sa kadahilanan na dapat ito ay nagpapahinga at sila’y inaalagaan.
0 Comments