Nagsampa ng kasong libel at cyber libel ang dating senador na si Antonio Trillanes IV laban kina Harry Roque, SMNI, vlogger Banat By, at iba pang pro-Duterte trolls.
Ayon kay Trillanes IV, sinabi nitong ang mga pro-Duterte
personalities ay patuloy na ginagatungan ang mga fake news upang iwaksi ang
sisi sa administrasyong Duterte.
Ito’y sa kabila ng kaniyang paulit-ulit na paliwanag kaugnay
sa nangyaring backchannel talks kabilang na ang opisyal na pahayag mula sa nanunungkulan
na mga opisyal ng gobyerno sa ginanap na pagdinig sa senado na hindi umano nila
isinuko ang Scarborough.
Binanggit din ni Trillanes IV sa post nito ang mga troll
accounts na kaniyang sinampahan ng kaso.
“The filing of cases today is a push back against the
culture of disinformation which propagated and was encouraged during the
Duterte administration,” ani Trillanes IV.
Inihain ng dating senador ang pagsampa ng kaso sa Quezon
City Prosecutors Office.
0 Comments