“Ipapakita ko po sa kanila ang mapa at ipapaliwanag na ang
kanilang tinutungtungan sa mga oras na ito ay sakop ng exclusive economic [zone]
ng Pilipinas.”
Ito ang matapang na naging tugon ng alkalde matapos matanong
kung ano ang kaniyang sasabihin sakaling mabigyan ng pagkakataon na makalapit
sa isang Chinese sa Bajo de Masinloc sa West Philippine Sea kasunod ng
isasagawang 2nd Civillian Resupply Mission, ngayong araw.
Sa special coverage ng K5 Philippines, muli din nitong
ipinunto ang layunin ng paglalayag na hindi para sa anumang gulo bilang ganti
sa mga pang-haharass sa mga mangingisdang Pinoy, kundi para lamang magpaabot ng
tulong at maipakita ang pagdepensa sa teritoryo ng bansa.
Dagdag pa ni Sucro na ang pagnanais nitong personal na
matunghayan ang sitwasyon sa lugar ay para din sa ilang paghahanda sa hinaharap
lalo na at nasa kanlurang bahagi ng bansa ang Probinsya ng Aklan.
Samantala, nagpahayag din ito ng kahandaan sa anuman ang
posibleng mangyari sa kanilang pupuntahan bagama’t umaasa pa rin aniya ito sa
matagumpay at ligtas na paglalayag. |TERESA IGUID
0 Comments