LAMBING NG KAMBING SA GRADUATION

 


Kung ang iba, money bouquet at money garland ang natatanggap na graduation gift, ibahin mo ang isang estudyanteng ito na niregaluhan lang naman ng isang kambing sa araw ng kaniyang graduation.

Kinaaliwan sa social media ang video ni Ems Collados matapos na sinorpresa ng lalaki ang bagong graduate na nobya ng buhay na kambing.

Natatawa naman at tuwang-tuwa ang mga kaanak at kaibigan ni Camille Viloan sa buhay na regalong ibinigay sa kaniya ng nobyong si Ton Ton Funtilon.

Nagulat at hindi inaasahan ni Viloan ang sorpresa ng kaniyang nobyo lalo na’t hindi naman ito mahilig sa mga ganoong bagay.

Sa kabila nito, nagpasalamat si Viloan sa kanyang nobyo dahil lagi itong nakasuporta sa kanya at nagpapatibay-loob mula pa noong Grade 11 hanggang sa pagkatapos ng kolehiyo.

Nagtapos ng Cum Laude sa Notre Dame of Midsayap College si Viloan sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in Social Studies.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog