Natagpuang nagkasala ang US President na si Donald Trump sa isang krimen kung saan siya ang kauna-unahang US President na na-convict.
Hinatulang guilty si trump sa lahat ng 34 felony counts
ng pamemeke ng mga business record.
Pormal na napagdesisyunan ng mga hurado ang hatol sa
pangulo matapos ang siyam at kalahating oras ng deliberasyon magmula pa noong
Miyerkules.
Nakatakda namang hatulan si Trump sa July 11, apat na
araw bago ang Republican National Convention. Mahaharap ito sa mga penalidad
mula sa multa hanggang sa apat na taong pananatili sa kulungan sa bawat bilang,
bagama't inaasahang masesentensiyahan siya para sa mga pagkakasala nang
sabay-sabay, hindi magkakasunod.
"This was a disgrace. This was a rigged trial by a
conflicted judge who was corrupt,” pahayag ni Trump sa mga mamamahayag.
Samantala, binasa ang hatol sa courtroom ng Manhattan
kung saan nililitis na si Trump mula pa noong April 15.
0 Comments