CATRIONA GRAY, LUMAHOK SA RED CARPET PREMIERE NG PELIKULA NINA ANNE HATHAWAY AT NICHOLAS GALITZINE SA NY

 

Photo Courtesy: Catriona Gray/Instagram


Tampok ang Miss Universe 2018 Catriona Gray sa red-carpet premiere ng pelikulang “Idea of You” nina Anne Hathaway at Nicholas Galitzine sa New York City.

Sa Instagram post ng beauty queen, ibinahagi nito ang ilang mga larawan kasama ang Hollywood actor at Gen Z’s heartthrob na si Galitzine.

Bago ito, nauna nang ininterview ni Gray ng virtual ang Hollywood stars tungkol sa pinagbibidahan nilang pelikula na ipapalabas ngayong buwan ng Mayo.

Ang pelikulang “Idea of You” ay nakatuon sa kwento ng isang 40-anyos na single mother na nagsimulang pasukin ang ipinagbabawal na pakikipagrelasyon sa isang 24-anyos na boy band singer.

Nakatakda namang ipapalabas ang pelikulang “Idea of You” ngayong araw, Mayo 2 sa Prime Video.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog