NURSE NA TUMULONG SA SUSPEK, PINAGBABARIL; 2 PATAY


 

Patay ang dalawang biktima matapos itong pagbabarilin ng suspek na isang 54-anyos na security officer.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sumemplang ang motor na minamaneho ng suspek habang binabaybay ang Congressional Road dahilan na tinulungan ito ng biktimang nurse na si Mark John Blanco.

Nang maitayo ni Blanco ang motor, hindi na ito mapaandar ng suspek dahilan na nagalit ito at pinagbabaril ang biktima.

Agad namang humingi ng tulong ang isa sa mga babaeng nakasaksi sa krimen at dito na lumabas ang isa pang biktima na construction worker tsaka pinagbabaril din ng suspek.

Mabilis namang tumakas ang suspek ngunit nahuli din siya ng mga otoridad matapos makabangga ng isang sasakyan.

Napag-alamang galing sa inuman ang suspek bago ginawa ang krimen.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog