Nagpahayag ng pagsisisi ang ama ng 16-anyos na binatilyong tinaga dahil sa flashlight, sa Brgy Kinalangay Viejo, Malinao.
Sa panayam ng K5 News Team sa suspek, sinabi nito na napikon
lamang siya dahil sa kakulitan ng anak na noon ay nasa ilalim din ng
nakakalasing na inumin katulad nito.
Aniya, una na nitong sinabihan ang anak na matulog na dahil
malalim na ang gabi ngunit kinuha pa aniya nito ang flashlight at binutingting
na tila may plano pang umalis muli.
Dito na aniya siya napikon at agad na kinuha ang kaniyang
itak at tinaga ang anak para matigil na ito.
Kaugnay nito, inihayag din ng suspek na wala itong balak na
tapusin ang buhay ng anak at handa rin aniya itong harapin ang kaukulang kaso
na posibleng isampa dito. |TERESA IGUID
0 Comments