2 BABAE, SUGATAN MATAPOS SUMABOG ANG ITINAPONG GRANADA SA CHAPEL SA COTABATO CITY

 

Photo Courtesy: GMA News

Sugatan ang dalawang babae matapos sumabog ang itinapong granada sa isang chapel sa Barangay Rosary Heights 3, Cotabato City nitong Linggo.

Ang mga biktima ay nasa 40-anyos at 65-anyos na napag-alamang dadalo sana ng isang fellowship sa isang chapel nang bigla nalang pumutok ang granada.

Agad naman silang isinugod sa ospital upang magamot.

Ayon sa pulisya, tanging parte ng M26 fragmentation ng granada ang sumabog at hindi ang kabuuang granada.

Kaugnay nito, nakunan naman ng cctv ang nangyari bago ang pagsabog kung saan nakita ang isang lalaki sakay ng motorsiklo na itinapon sa chapel ang isang granada.

Mabilis namang nakilala ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng suspek ngunit hindi na ito pinangalanan.

Samantala, mahaharap naman sa kasong frustrated murder ang suspek habang inaalam pa ang motibo sa likod nito.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog