ILANG MGA YAMANG-DAGAT SA SCARBOROUGH SHOAL, UNTI-UNTING NAUUBOS

 

Photo Courtesy: PCG

“NAUBOS NA NILA”

Ito ang naging pahayag ni Philippine Coast Guard, Commodore Jay Tarriela sa unti-unting pagkaubos ng mga yamang-dagat sa Scarborough Shoal.

Sinabi nitong walang pahintulot aniyang kinokolekta ng mga mangingisdang Chinese ang mga malalaking clams sa Scarborough Shoal dahilan ng pagkaubos nito.


Photo Courtesy: PCG


Ibinahagi din ni Tarriela ang ilang mga larawan ng patay na pawikan at ang pagdala ng mga mangingisdang Chinese ng maraming higanteng kabibe sa PRC mula sa Tanmen, isang maliit na bayan ng pangingisda sa lalawigan ng Hainan.

Ayon pa kay Tarriela, nag-iwan aniya ang China ng isang ecological legacy na naging sanhi ng pagkasira ng marine ecosystem.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog