POSTE NABALI MATAPOS SALPUKIN NG TOYOTA AVANZA SA BALETE



Yupi ang harapang bahagi ng Toyota Avanza matapos itong sumalpok sa isang poste sa Brgy. Aranas, Balete, alas-9:30 kagabi.
Sa panayam ng K5 News Team kay PAT. Jay-R Flogio ng Balete PNP, nabatid na mula sa isang sayawan sa lugar ang driver kasama ang isa pang sakay ng naturang sasakyan na noon ay tinatahak ang direksyon ng Poblacion, Balete.
Ngunit bigla na lamang aniya itong nag overshoot at dumiretso sa poste.
Dahil dito, nabali ang poste at nagtamo ng kasiraan ang sasakyan habang mapalad naman na walang nasaktan sa dalawang sakay nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog