PIOLO PASCUAL, LASING NANG TINANGGAP ANG BEST ACTOR AWARD SA FAMAS


Inamin ni kapamilya star na si Piolo Pascual na lasing ito nang tumanggap ng Best Actor trophy sa kakatapos lamang na Filipino Academy of Movie Arts and Sciences Awards (FAMAS).

Sa acceptance speech ng aktor, pinasalamatan nito ang award-giving body sa pagkilala ng kaniyang performance sa blockbuster movie na "Mallari."

Maliban dito, may iba sinabing mga pangalan ang aktor na kaniyang pinasalamatan at inaming lasing na ito sa naturang event.

"Marami po akong papasalamatan, pero marami na rin po ako nainom tonight. So, gusto ko lang pong magpasalamat sa Mentorque Productions, kay Bryan Diamante," ani ng aktor.

Bagama't lasing ay nagpatuloy pa rin ang aktor sa speech nito kung saan napuno ito ng pagpapasalamat sa pagiging matagumpay ng kaniyang pelikula sa tulong ng lahat ng mga taong naging parte nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog