AKLANON LAWYER IKINAGALAK ANG PAG-APRUBA NG DIVORCE BILL SA FINAL READING NG HOUSE OF REPRESENTATIVES



Ikinatuwa ng Aklanon lawyer na si Atty. Harry Sucgang ang pagka-apruba sa kontrobersyal na divorce bill, sa third and final reading ng House of Representatives.
Sa programang Foro De Los Pueblos, inihayag ni Sucgang ang kaniyang kagalakan sa naturang desisyon na matagal na rin aniyang pinag-uusapan at marami na rin ang naghihintay dahil isa na lamang ang Pilipinas maliban sa Vatican na walang diborsyo.
Naiintindihan aniya nito na masyadong pinapanatili ang buong pamilya sa bansa, sa kabila ng kumplikadong sitwasyon para sa kapakanan ng mga anak at naging sumpaan dahil sa konserbatibong pamilyang Pilipino, ngunit umaasa din aniya ito na hindi maipagkakait sa mga hindi na maisalbang relasyon ang pagkakataon na makahanap pa ng iba at bumuo muli ng pamilya.
Ayon kay Sucgang, may mga pagsasamang mahirap nang ibalik sa dati at posible lamang na mapasama o magkasakitan sakaling ipilit pa, at hindi rin magiging patas kung may isang makukulong sa kasal habang ang isa ay nakalaya na dahil may kakayang mag file sa ibang bansa.
Samantala, ipinunto din ng abogado na maging ito ay isa rin sa mga nanghihikayat ng pagsalba ng relasyon ngunit kailangan na rin aniyang mamulat ng lahat na bilog ang mundo at isa na ang diborsyo sa mga sagot sa hindi na maayos na pagsasama ng mag-asawa.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog