Muling nakatanggap ng pagkilala ang Pinoy na Special
Education (SPED) Teacher na si Dale Aller Ebcas sa Alaska bilang “Educator of
the Year 2024”.
Si Ebcas ay tubong Cagayan de Oro City at kasalukuyang
nasa ikaapat na taon nang nagtuturo sa Alaska kung saan umani ito ng pagkilala
dahil sa kaniyang dedikasyon sa pagtuturo lalo na sa mga special kids.
Gayundin, siya ang itinalagang School District's Unified
Sports Coordinator at Coach para sa mga sports na basketball, bowling, at
badminton sa isang paaralan sa Alaska.
Dahil sa ipinakitang husay, personal na binati ng State
of Alaska Department of Education Commissioner Deenah Bishop si Ebcas para sa
kaniyang dedikasyon sa pagtuturo sa mga estudyante ng Gregory Elementary School
sa Kalskag Kuspuk School District sa Alaska, USA.
Samantala, nauna nang pinarangalan ang naturang SPED
teacher ng “Individual of the Year Award para sa Special Education in Inclusive
Practices mula sa Governor’s Council on Disabilities and Special Education sa
Alaska.
0 Comments