Nakatakdang i-deactivate ng Commission on Elections
(COMELEC) ang nasa 4,239,483 na mga rehistradong botante matapos ang 2023
Barangay and Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ito’y matapos na hindi nakaboto sa dalawang magkasunod na
halalan ang naturang bilang ng botante.
Ayon kay COMELEC spokesperson John Rex Laudiangco, tinatayang
68 milyon na ang naitalang bilang ng kabuuang mga botante sa buong bansa at nakatakdang
ibabawas dito ang ma-deactivate na 4.2 million voters.
Nangunguna sa made-deactivate ang 733,245 na bilang ng
botante sa Calabarzon na sinundan ng Central Luzon na may 503,280.
Samantala, patuloy naman ang isinasagawang voter
registration activities ang COMELEC na magtatagal hanggang September 30.
0 Comments