Kinoronahan bilang Miss USA 2023 ang Filipino American
Miss Hawaii 2023 na si Savannah Gankiewicz kasunod ng pag-resign ni Noelia
Voigt ng Utah sa pagiging Miss USA 2023.
Pinangunahan ni Hawaii Governor Josh Green ang pagkorona
kay Gankiewicz sa Honolulu.
Kung matatandaan, bumaba sa kaniyang titulo si Voigt
dahil sa kaniyang mental health issues.
Dagdag pa rito, isa rin sa ma dahilan ng resignation ni
Voigt ang hindi pagtugon ng Miss USA organization sa inirereklamo nitong toxic
work environment at insidente ng sexual harassment.
Sa kabila nito, naniniwala naman si Gankiewicz sa organisasyon
ng Miss USA dala ang intensyong gawing positibo ang mga pagbabago at buuing
muli ang legacy nito.
Si Gankiewicz ay anak ng isang Filipina na dating
kinoronahan na Mrs. Maui at nagsilbing director ng Miss Maui Filipina pageant.
Habang ang ama nito’y isang Polish at Vietnamese American.
Naging isa din sa mga finalists si Gankiewicz ng Mutya ng
Pilipinas 2017 at nagtrabaho bilang modelo sa Pilipinas.
Nabatid na ang naturang beauty queen ay kinoronahan
bilang 1st runner-up ng Miss USA sa Las Vegas, Nevada at nanalo din
ng Best State Costume award.
0 Comments