ATIN ITO ADVANCE TEAM, MATAGUMPAY NA NALAMPASAN ANG PAGHARANG NG CHINA SA BAJO DE MASINLOC



Mission accomplished ang ginawang civilian supply mission ng Atin Ito advance team sa kabila ng panghaharang ng China sa Bajo de Masinloc.

"Despite China's massive blockade, we managed to breach their illegal blockade, reaching Bajo de Masinloc to support our fishers with essential supplies. Mission accomplished!" ayon kay Akbayan President Rafaela David, a Co-convenor ng Atin Ito.

Nitong Mayo 14, nagsimula ang opisyal na paglalayag ng Atin Ito coalition sa West Philippine Sea dala ang mga suplay na pagkain at gasolina para sa mga mangingisda na naroroon sa naturang isla.

Bagama’t may mga banta ang China kung saan namataan ang pag-aaligid ng isang Chinese Navy ship ay hindi naman nagpatinag ang grupo at nagpatuloy sa kanilang misyon na naging matagumpay matapos na matiwasay na naipamahagi sa mga mangingisda ang nasa 1,000 litro ng diesel at 200 food packs.

Samantala, may kabuuang 144 na mga mangingisdang Pinoy mula sa 6 mother boats at 36 small fishing boats ang nabigyan ng mga dalang suplay ng nasabing grupo.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog