Nagalaw mula sa orihinal nitong posisyon ang isang
eroplano na naka-park sa tarmac sa Dallas Fort Worth Airport dahil sa paghampas
ng malakas na hangin na dala ng bagyo.
Sa isang ulat, nakakaranas ng bagyo ang buong rehiyon
kung kaya’t inaasahan na ang pag-ulan ng yelo at malakas na hangin sa Dallas-Fort
Worth at kalapit nitong mga lugar.
Ipinahayag naman ng American Airlines na ilan sa kanilang
mga aircraft ay apektado ng malakas na hangin sa naturang paliparan.
Sa kabila nito, wala namang naitalang nasaktan sa paghampas
ng malakas na hangin sa lugar habang patuloy naman ang isinasagawang masusing
inspeksyon ng maintenance team ng nasabing paliparan para sa agarang
pagkumpuni.
0 Comments