Kabuuang 346 dramas ang maglalaban-laban para sa Seoul
International Drama Awards 2024.
Ayon kay Seoul Drama Awards Organizing Committee Chairman
Park Min, ang naturang bilang mula sa 48 na mga bansa ang pinakamataas na naisumite
para sa nasabing awards.
Kung kaya’t aasahan ang maraming directors, actors at
writers sa buong mundo na dadalo sa nabanggit na international awards.
Sa ngayong taong pagsumite ng mga drama ay mula sa anim
na mga kontinente na kinabibilangan ng South Africa, Iraq, Latvia, Bosnia at
Herzegovina – kung saan ito ang kauna-unahang pagkakataon na lumahok sa SDA.
Ang kabuuang 53 dramas ay mula sa 14 na OTT platforms
tulad ng Netflix, Disney+, at GLOBO.
Samantala, nakatakdang gaganapin ang Seoul International
Drama Awards 2024 sa buwan ng Setyembre.
0 Comments