ALAS PILIPINAS, NAG-UWI NG BRONZE MEDAL SA 2024 AVC CHALLENGE CUP


 

Hindi man nakuha ang kampyeonato, isang karangalan pa din ang nakuhang bronze medal ng Alas Pilipinas sa ginanap na 2024 AVC Challenge Cup sa Rizal Memorial Coliseum.

Nitong Miyerkules ay natalo ng grupo ang Australia dahilan na nasungkit nito ang bronze medal.

Tinanghal naman na Best Opposite Spiker si Angel Canino habang Best Setter si Jia Morado-De Guzman ng Alas Pilipinas.

Samantala, nananatili pa ding defending champion ang Vietnam sa 2024 AVC Challenge Cup for Women matapos na walang mintis na nakapuntos hanggang sa 3 sets kontra sa Kazakhstan.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog