Sumabog sa ikalimang beses mula noong buwan ng Disyembre
ang bulkan sa southwestern Iceland.
Makikita sa mga larawan ang mga lava na umapaw at isang
banta sa baybaying lugar ng Grindavik at lumikas sa sikat na Blue Lagoon
geothermal spa.
Nagsimula ang pagsabog matapos ang sunod-sunod na lindol
sa hilagang bahagi ng lugar kung saan karamihan mga residente ay lumikas noong
Disyembre.
Ang naturang pagsabog sa Iceland ang pinakamalakas na may
lava shooting na 50 meters sa kalangitan mula sa isang fissure na lumago
hanggang sa 3.5 kilometers ang haba.
Nitong Pebrero at Marso ay muling sumabog ang nasabing
bulkan kung saan binalot nito ang pipeline na naging dahilan sa kawalan ng
mainit na tubig sa libo-libong tao.
Samantala, matatagpuan ang Iceland sa taas ng isang
volcanic hot spot sa North Atlantic na nakakaranas ng pagsabog ng bulkan at isa
sa mga nakakagimbal ay noong 2010 nang sumabog ang bulkan ng Eyjafjallajokull.
0 Comments