BEAUTY QUEEN SA ECUADOR, BINARIL-PATAY MATAPOS I-POST ANG LOKASYON SA IG

 


Patay ang influencer at dating beauty queen sa Ecuador matapos itong barilin ng dalawang gunmen.

Kinilala ang biktima na si Landy Parraga Goyburo, 23-anyos, dating kandidata ng Miss Ecuador at nagmamay-ari ng isang household goods importer at isang sportswear line.

Ayon sa ulat, natunton ng mga suspek si Goyburo nang mag-post ito ng kaniyang lokasyon sa Instagram.

Sinasabing ito’y kumakain ng lunch sa isang restaurant kasama ang isang lalaki nang biglang siyang sinugod ng dalawang hindi pa nakikilalang gunmen tsaka binaril. Pati ang kasama nitong walang laban ay binaril din ng mga suspek.

Natagpuan na lamang ang dating beauty queen na wala nang buhay at naliligo sa sarili nitong dugo.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya sa lugar at tinutukoy pa ang motibo sa krimen.  

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog